Isang malakas na tunog ang umalingawngaw sa hangin noong napatay ang babae, agadd na ikinagulat ni Duan Ling Tian. Walang nakakita kung kailan kumilos si Duan Ling Tian, ngunit isang patong ng hindi nakikitang ilaw na kalasag ang lumitaw at hinarangan ang dugo na tila mapupunta sa kanya at kay Feng Tian Wu.
Sa susunod na sandali, si Duan Ling Tian ay tumingin sa sumalakay na dahan-dahang naglalakad papalapit sa pergola. Agad na nandilim ang kanyang mukha.
"Napakagandang babae!" Noong dinala ng binatang mayroong marangyang kasuotan ang matanda, agad na dumapo kay Feng Tian Wu ang kanyang mga mata. Hindi niya binigyang pansin si Duan Ling Tian.
Napabilis ang kanyang paghinga noong nakita niya ang napakagandang mukha ni Feng Tian Wu.
Ngayon lamang ba siya nakakita ng ganitong kagandahan?