Ang orihinal na Yin Peak, na kasalukuyang kilala bilang Ling Tian Peak, ay napupuno ng yelo sa buong taon. Ito ay matarik, at ang yelo sa taas nito ay tila pilak mula sa malayo.
Si Duan Ling Tian at Feng Tian Wu ang nanguna kasama sina Gold Thug at Xiong Quan na kasunod nila. Silang apat ay mabilis na nakarating sa tuktok ng Ling Tian Peak.
Habang nasa daan, makikita na ang Ling Tian Peak ay hindi mapayapa.
Ang mga babaeng nakaputi na nakatayo sa 'di kalayuan na may binubuo ng tatlo o lima bawat pangkat ay patuloy na nag-uusap tungkol sa nasusunog na Peak sa 'di kalayuan.
"Ang Yang Peak ay nasusunog na ng buong araw."
"Narinig ko na ang Yang Peak ay napuno ng kumukulong putik. Ang lugar na para sa cultivation ng mga disipulo ng Yang Peak ay tuluyan nang nasira."
"Ano na ang nangyari sa mga disipulo ng Yang Peak? Pupunta ba sila para makipaglaban sa lugar ng kanilang cultivation sa Yin Peak?
…