Silang apat ay lumingon upang tumingin pagkatapos nilang marinig ang tunog. Ang unang bagay na nakita nila ay sariwang dugo na kumakalat sa hangin. Ang braso ni Yang Fei ay naputol mula sa kaniyang katawan at nahulog mula sa langit.
Samantala, si Yeng Fei ay sumisigaw sa matinding sakit.
'Whoosh!'
Ang mukha ni Yang Hong ay naging madilim. Hindi siya naglakas-loob na mag-atubili nang iangat niya ang kaniyang braso. Isang 'di makitang enerhiya ang kumalat upang kuhain ang putol na braso ng kaniyang anak.
Gumalaw siya na parang kidlat patungo sa tabi ng kaniyang anak at sinubukan na ibalik ang putol na braso sa kaniyang katawan.
'Whoosh!'
Isa pang matulin na tunog ng pagsipol ng ispada ang muling maririnig. Tulad ng kanina, si Yang Hong at ang iba pa ay hindi nagkaroon ng oras na magkaroon ng reaksyon.
'Pa!'