'Fwah!'
Sa sandaling nasira ang matigas na yelo, si Yang Xue na ang buhok ay tuluyan nang naging kulay puti ay dumura ng maraming dugo, at nagsimula siyang gumiwang.
Ang magandang mukha ni Yang Xue ay kasing putla ng papel, ngunit marahan siyang nakangiti.
Nagawa niya! Nagawa niyang bigyan ng kaunting oras ang dalawa niyang Junior Sister upang makatakas!
"Ke'er, Fei'er... Sana ay maging maayos ang inyong mga buhay." Marahang bulong ni Yang Xue.
"Hmph!" Isang kutya ang narinig sa hangin habang mayroong isang saber ray na patungo kay Yang Xue. Ito'y bumutas sa kanyang katawan bago pa siya makatugon.
Namatay si Yang Xue, at ang kanyang katawan ay nahulog mula sa langit.
"Ama! Habulin mo ang dalawang babae ngayon na! Huwag mo silang hayaang makatakas!" Pagpupumilit ni Yang Fei kay Yang Hong.