"Sasamahan kita." Ngumiti si Li Fei. Gayunpaman, mayroong isang bakas ng kalungkutan sa kaniyang ngiti.
Ang kaniyang pinakamalaking pinagsisisihan ay ang hindi makita ang sira-ulong iyon na palagi siyang pinahihirapan sa kaniyang panaginip bago siya mamatay.
Gayunpanan, nang maalala niya ang magagandang oras na ginugol niya sa sira-ulong iyon dati, wala na siyang pagsisisi.
Natulalang inalalang muli ni Li Fei ang nakaraan.
Una niyang nakatagpo ang sira-ulo na iyon sa Li Family sa Aurora City. Ang sira-ulo na iyon ay walang hiyang pinagmasdan siya mula sa ulo hanggang paa at binigyan siya ng masamang unang impresyon.
Gayunpaman, nang mas makilala niya ang sira-ulong iyon, mas natutuklasan niya na siya ay hindi nakaiinis kumpara sa dati.
Nang 'di niya namamalayan, ang sira-ulong iyon ay nagsimulang punuin ang kaniyang puso hanggang sa 'di na ito mabura.