"Hindi! Hindi! Syempre hindi!" Nang makita ang matalas na tingin sa kanya ng Gold Thug, malaking takot ang naramdaman ng elder ng Yin Yang Sect na tinitignan kaya mabilis siyang umiling upang itanggi ito.
Gayunpaman, ang kanyang pagtanggi ay huli na.
Whoosh!
Ang Gold Thug ay naglaho, at nang siya ay lumitaw muli, siya ay nakatayo na sa kanyang harapan.
Boom!
Malawak na enerhiya ang lumabas sa katawan ng Goldl Thug at bumuhos na parang alon. Bago pa napagtanto ng elder ng Yin Yang Sect kung ano ang nangyari, ang kanyang buong pagkatao ay nalunod na dito.
Sa ilang saglit, bago pa man makasigaw ang elder ng Yin Yang Sect, nawala na siya talaga at naging abo, naiwan na lamang ang Spatial Ring na bumaba mula sa hangin.
Isang martial artist na nasa Ikaapat na Antas ng Martial Monarch Stage ang biglang namatay sa isang segundo!
Ito ang lakas ng Ikaanim na Antas ng Martial Monarch!