Tumingin si Duan Ling Tian ng kakaiba kay Qing Lang ng marinig niyang pinagsasabihan nito si Lou Fu.
Sa kaniyang palagay, Sinasabi lamang ito ni Qing Lang upang maligtas ang kaniyang buhay.
"Fort Master…" Nakangiwi si Lou Fu. "Bago mo pa man kami pagbalaan, ang apat na yon ay inapi si Duan Ling Tian… Pagkatapos ng Martial Competion ng Ten Dynasties, ang apat na iyon ay nag sama ng sampung elder para tugisin si Duan Ling Tian para mapatay nila siya.
"ANO?!" Pagkamuhi ang nakita sa mukha ni Qing Lang. Sumingkit ang mga mata niya ng mabilis. "Alam mo na ang mga ito?"
Tumango si Luo Fu at ngumiwi.
"Magaling! Talagang kahangahanga!" Nanlisik ang mga mata ni Qing Lang kay Luo Fu at nag tanong sa malalim na boses. "Kung gayon...Nang si Miss Xue Nai ay dumating sa Skywolf Fort at nabanggir si Duan Ling Tian, bakit hindi mo sakin sinabi ang tunkol dito? Inisip mo ba na maliit na bagay lang ito?"