'Maaari kaya na talagang may alam si Elder Duan na sikretong teknik?'
Marami sa mga tao ng Lu Clan ang nag-isip.
Dahil, nakagugulat na si Elder Duan ay naging isang grade one alchemist sa ganoong batang edad. Dagdag pa doon, kaya rin niyang gumawa ng mga pill na may 97% na purity.
Ang pill na may ganoong purity ay abot-langit!
Sa ilalim ng nanonood na mga mata ng lupon, hindi pinansin ni Duan Ling Tian si Cheng He. Ang kaniyang tingin ay napunta sa babaeng may pulang kasuotan sa kaniyang tabi, at nagtanong siya sa isang magiliw na tinig, "Tian Wu, sino ang nampinsala sa'yo?" Isang bakas ng poot ang maaaring marinig sa kaniyang magiliw na tinig.
Ang puso ni Feng Tian Wu ay napatalon nang marinig niya ang galit sa kaniyang tinig. Ang yelo sa kaniyang mukha ay bahagyang natunaw.
Ang kaniyang mga mata ay agad na napunta sa 'di gaano katandang lalaki na may berdeng kasuotan na nakatayo sa kalayuan.