Boom!
Si Lu Rui ay napinsala sa aura ni Leng Chi, at siya ay napadura ng dugo. Ang aura ni Leng Chi ay muling kumalat at tinamaan siya, pinupwersa siya na mapaatras.
"Wa!"
"Wa!"
...
Sa bawat hakbang patalikod, si Lu Rui ay napadudura ng dugo habang ang kaniyang mukha ay maputla.
Boom!
Makikita ang desperasyon sa mga mata ni Lu Rui nang makita niya ang pangatlong paglabas ng aura ni Leng Chi.
Kahit na siya ay isang martial artist sa tuktok ng Void, ang kaniyang lakas ay wala lamang kumpara sa tatlong major Guardian Elder ng Lu Clan na mga Martial Monarch powerhouse.
Siya ay isang langgam lamang na kanilang kontrolado sa mga mata ng mga Marial Monarch powerhouse tulad ni Leng Chi.
Siya ay wala nang hininga at napinsala nang ang kabilang panig ay nilabas lamang ang kaniyang aura.
Kung gagawin pa iyon ni Leng Chi ng ilan pang beses, mataas ang tsansa na siya ay mapapatay ng aura ni Leng Chi.