Walang pagaatubiling bumulong su Li Qiu sa tenga ni Lu Rui.
Pinilit ni Lu Rui na ngumiti. Alam naman niya na maaaring natuklasan na ng dating Clan Leader ang tunay na pagkakakilanlan ni Elder Duan gaya ng inaasahan niya.
Bigla na lang huminto sa paggalaw si Lu Qui na bumubulong. Lumiit ang balintataw ng mga mata niya. "Lu Rui, ang pilyong batang iyon... Siya ba ang tinutukoy sa handbook na naiwan ng ating ninuno?" Tanong ni Li Qui habang nakatingin kay Lu Rui.
Nakita niyang tumango si Lu Rui bago pa man niya natapos ang sinasabi. Dahil nakuha na niya ang sagot na gusto niya, hindi na niya ipinilit ang usapin at nagtanong pa.
"Kailanma'y di ko ito inasahan... Na ang Lu Clan ay magkakaroon nanaman ng koneksyon sa kaniya," hindi napigilang ibulalas ni Lu Qui matapos ang sandaling katahimikan.
Malinaw na niyang natuklasan ang tunay na pagkatao ni Duan Ling Tian.