Umalis si Duan Ling Tian sa lungsod at nakipagkita kay Xiong Quan pagkatapos niyang umalis sa lugar ng Zeng Family.
Noong nakaraan, nakakita siya ng isang tagong kweba sa bulubundukin sa labas ng lungsod para panatilian ni Xiong Quan. Ang yelong kabaong na tinutulugan ni Feng Tian Wu ay nakalagay rin sa kweba.
Nagtatag siya ng isang Killing Formtion sa labas ng kweba para sa kanilang kaligtasan.
"Young Master." Ang mga mata ni Xiong Quan ay nagliwanag nang makita niya ang pagbalik ni Duan Ling Tian.
"Tara na." Tumango si Duan Ling Tian. Naglabas siya ng isang hindi makitang enerhiya nang iangat niya ang kaniyang braso. Ang enerhiya na ginagabayan si Xiong Quan at ang yelong kabaong nang umalis sila sa kweba sa bulubundukin at nagpatuloy na tumungong hilaga.
'Base sa mapa, ang direksyon na pinatutunguhan ko dapat ay tama... Ang Ruo Shui River ay naroon lamang,' sabi ni Duan Ling Tian sa kaniyang sarili habang siya ay nakatitig sa harapan.