"Kung ang napinsalang kaluluwa ni Tian Wu ay hindi magagamot, magiging mahirap para sa kaniya na magising kahit na gustuhin niya." Ang muhka ni Duan Ling Tian ay lubhang maputla.
Dahil sa pagsanib ng kaniyang alaala sa alaala ng Rebirth Martial Emperor, mayroon siyang ilang mga kaalaman tungkol sa mga kaluluwa.
Ang kaluluwa ay ang ubod ng isang tao. Sa sandaling mapinsala ang isang kaluluwa, lubos nitong maapektuhan ang isang tao.
Gawing halimbawa ang kasalukuyang Feng Tian Wu.
Dahil sa pinsala ng kaniyang kaluluwa, inapektuhan nito ang kaniyang isipan at pinipigilan siya na magkaroon ng kamalayan. Nakahiga na lamang siya sa kama tulad ng buhay na patay, hindi magawang magising kahit na ang kaniyang katawan ay malusog at puno ng sigla. Sa kabutihang palad, hindi ito nasa punto kung saan ang kaniyang kaluluwa ay umalis sa kaniyang katawan.