"Sino ang papatay?" Noong una ay nabigla si Ting Shan nang marinig ang sinabi ni Duan Ling Tian. Pagkatapos ay mapanghamak na tiningnan si Duan Ling Tian habang umiismid. "Sino ka sa tingin mo? Sa tingi mo ay karapat-dapat kang sabihin ang mga salitang iyan sa harapan ko?"
Sa opinyon ni Tong Shan, sa buong northern desert, dalawang matanda lamang mula sa North Nether Sect at Anicca Sect ang karapat-dapat na magsalita sa kaniya nang ganiyan. Pareho silang nagtataglay ng lakas na hindi mas mababa sa kaniya.
Gayunpaman, nangahas si Duan Ling Tian na magsalita nang ganoon.
Kailangan niyang kilalanin ang likas na talento ni Duan Ling Tian at lakas na talagang kahanga-hanga.
Kung magkakaroon ng magandang buhay si Duan Ling Tian sa hinaharap, hindi imposible para sa kaniyang cultivation na makatuntongs a Martial Monarch Stage at maging isang powerhouse Martial Monarch katulad niya.
Gayunpaman,, imposible para kay Duan Ling Tian na labanan siya ngayon.