Ang taong nagsalita kanina ay isang matandang lalaking nakapula.
Kung pagbabasehan ang kaniyang mga sinabi, malinaw na sinusubukan niyang kunin ang kapurihan sa kaniyang ginawa.
"Hurmph!" Nang marinig ng lalaking nasa katamtamang edad ang sinabi ng matandag lalali, umatungal ito at nagtanong, "Ano? Nag-aalala ka ba na hindi ka suklian nang tama ng Izumo Sect?"
"Hindi! Siyempre hindi!" Nagulat ang matandang lalaki at mabilis na umiling habang tumutulo ang malamig na pawis sa kaniyang noo.
Bagaman hindi pa niya naririnig ang Izumo Sect bago ito, ang sect ay kailangang maging kahanga-hanga upang magkaroon ng apat na powerhouse sa Void Interpretation Stage o mas mataas pa.
Kung ang lalaking nasa katamtamang edad na isa ring elder sa Izumo Sect ay kayang basahin ang iniisip ng matandang nakapula, marahil ay sinampal at pinalipad niya na ang lalaki dahil sa galit.
Void Interpretation Stage?