"Boss!" Ang mukha ni Li Xuan ay kumibot nang makita niya si Duan Ling Tian, at lumipad siya at niyakap si Duan Ling Tian. "Alam kong babalik ka upang iligtas ako."
"Alis!" Pakiramdam ni Duan Ling Tian ay bumagsak siya sa isang tumpok ng mga taba, at siya ay nawalan ng hininga mula sa pagpiga ni Li Xuan. Dali-dali niyang inangat ang isang kamay at inilayo ang matabang katawan ni Li Xuan.
"Boss, tingnan mo ako. Ako ay nahuli sa Aurora City at kinulong rito... Paano mo nagawang itulak ako palayo kung kailan kaawa-awa ako?" Sabi ni Li Xuan nang may mapanglaw na ekspresyon pagkatapos niyang gamitin ang pader upang itayo ang kaniyang sarili mula sa tulak ni Duan Ling Tian.
Gayunpanan, mahirap para kay Duan Ling Tian na kaawaan siya pagkatapos niyang tingnan ang mukha nito.
Kahit gayon, inilayo lamang ni Duan Ling Tian si Li Xuan ng isang mabilis na galaw kaya hindi ito sinaktan si Li Xuan sa anumang paraan.