"Wala akong ideya." Pinilit ni Duan Ling Tian ang ngumiti kasabay ng kanyang pag-iling.
Kahit na iniwan sa kanya ng kanyang ama ang jade na kahon na ito, wala siyang ideya kung ano ito o kung ano ang laman nito.
Subalit, nakasisigurado siya sa isang bagay.
Nakasisigurado siya na ang kanyang ama ay mag-iiwan ng impormasyon tungkol sa ibang kontinente sa kabilang panig ng malalim na dagad sa voice transmission jade slip sa loob ng magandang jade na kahon.
Likas na, mayroon ding ibang laman ang magandang kahon na ito bukod sa voice transmission Jade Slip.
Mayroong malakas na pakiramdam si Duan Ling Tian dito.
'Marahil magagawa ko itong buksan kapag ang aking cultivation ay naabot na ang Martial Monarch Stage.' Naisip ni Duan Ling Tian sa kanyang sarili.