"Ikaw iyon?" Sa isang iglap, isang kislap ang makikita sa mga mata ni Duan Ling Tian. Tila gusto niya salain ang tao na nasa harap niya.
Tumindig ang takot ng disipulo ng Fire Peak sa kaniyang limitasyon. Tumingin siya kay Duan Ling Tian at nag pasiya na kagatin ang bala. Nagngalit ang kaniyang mga ngipin sa kaniyang pagsabi, "Oo, ako iyon." Nang masabi ito, 'ang patay na baboy ay hindi natatakot sa kumukulong tubig.'
"Hindi kita kilala, Bakit mo ginawa?"Ang mukha ni Duan Ling Tian ay mataimtim matapos aminin ng disipulo ng Fire Peak ang kaniyang pagkakamali. Mayroong tanda ng walang sigla ng kumitid ang kaniyang mga mata.
"Utang ko ang buhay ko kay Senior Brother Hu Fei!"Sabi ng disipulo ng Fire Peak ng may mababang boses.
"Si Hu Fei?" Nagulat noong una si Duan Ling Tian, Ngunit madali niyang napagtanto ang nangyari. Ang disipulo ng Fire Peak sa kaniyang harap ay naghihiganti alang-alang kay Hu Fei na kaniyang napatay.