"Ang pagsubok sa ika-apat palapag ng Qing Feng Palace ay tinatawag na Bumpy Road... Ang siyang makagagawang
Dahil sa rason na ito, ang kailangang gawin ni Duan Ling Tian ngayon ay ang lumagpas sa Bumpy Road upang maabot ang kabilang dulo at makuha ang gintong susi pati na rin ang ibang gantimpala.
"Mula sa mensahe na iniwan ni Martial Emperor Qing Feng, mukhang ngayon naman, mayroon ding iba na makikipagkumpitensya sa akin ngayon. Tulad lang ito noong ako ay nasa una, pangalawa, at ikatlong mga palapag ng Qing Feng Palace!" Sa sandaling maisip ito ni Duan Ling Tian, ang paggalaw ng kaniyang mga kamay ay agad na bumilis at umangat sa bilis ng kidlat.
Ang mga suntok at sampal na naglalaman ng lahat ng kaniyang enerhiya ay kumalat at nagbigay ng daan sa harap, winawasak ang lahat ng mga harang nang walang pagpipigil.