Wham!
Wham!
β¦
Ang bawat hakbang na naisagawa ni Duan Ling Tian ay tulad ng isang malaking martilyo na pumupukpok sa puso ni Lei Zhong, naging mabilis ang kanyang paghinga, at matagal bago niya nagawang kumalma.
Noong napansin ni Lei Zhong ang bahid ng kagustuhang pumatay sa mga mata ni Duan Ling Tian, siya'y namutla at mabilis na naglabas ng wound curing medicinal pill para sa kanyang sarili.
Subalit, kahit na siya'y kumain ng isang wound curing medicinal pill, matatagalan pa bago gumaling ang kannyang pinsalang kanyang natamo ngayon, at walang duda na maaapektuhan nito ang kanyang pagkontrol sa kanyang lakas.
Whoosh!
Walang nakapansin kung kailan, ngunit isang makapal at matatag na saber ang biglang lumitaw sa kaliwang kamay ni Lei Zhong na maayos pa.
Habang mayroong apoy na sumiklab sa kanyang kamay, nagpatuloy ito na sumanib sa kanyang saber, at isang saber ray ang agad na lumitaw.
Swoosh!