Si Lei Jun, ang pangalawang pinakamalakas na powerhouse sa kasalukuyang Izumo Sect.
Noong makatagpo niya si Peng Bao noong nakaraang ilang araw, bumuo siya ng isang maliit na pangkat nang may layunin na mahanap at maglaban para sa mga Profundity Fragment.
Napansin ni Duan Ling Tian ang sakim na pinakita ni Lei Jun sa kaniyang mga mata noong una niyang makita si Lei Jun.
Ito ay ang klase ng sakim na sinasabi kung paanong hindi siya makapag-intay na patayin si Duan Ling Tian at kuhain ang kaniyang Spatial Ring bilang kaniya.
Gayunpaman, walang paki si Duan Ling Tian kay Lei Jun, at hindi niya tinuturing si Lei Jun na isang banta.
Nalayo si Lei Jun kay Peng Bao nang mapagtanto niya na si Peng Bao ay nasa panig ni Duan Ling Tian at sinasadyang protektahan siya. Umalis siya at pinagpatuloy ang paglalakbay nang mag-isa.
'Ang lalaking ito ay siguradong alam kung paano magtagal.'