Maaring masugpo ng Ice Concept ni Zhang Yan ang Fire Concept kung pantay ang kanilang lakas.
Sa pagkakataong iyon, Ang Ice Concept ni Zhang Yan ay walang wala sa Ika-walong Antas ng Advance Fire Concept ni Feng Tian Wu. Madali itong kayang madurog.
'Whoosh! Whoosh!'
Nahaharap sa naglalagablab na apoy na patuloy na lumalaki ng lumalaki sa latigo na hawak ni Feng Tian Wu, Napilitan si Zhang Yan na umatake sa tulong ng lakas ng 978 na mga ancient horned dragon gamit ang kaniyang dalawang palad.
Gayunpaman, ang kaniyang lakas ay mas mababa sa naglalagablab na apoy ng latigo na nagtataglay ng ilang libong mga ancient horned dragon tuwing ihahampas ito ni Feng Tian Wu.
!'
'Baam!'
Umuugong ang malakas na tunog, at ang serye ng malakas na pagsabog ay maririnig ng paulit-ulit. Nilalamon na ng apoy si Zhang Yan tulad ng isang dambuhalang apoy. Sa ilang sandali ay naglaho na ang apoy.