"Huh?"Sabi ni Duan Ling Tian matapos bumaba sa plataporma kasama si Feng Tian at agad silang pinaligiran ng mga tao. Kahit siya ay nabigla, nanatili pa rin siyang maging mahinahon.
Nang tumingin siya sa kaniyang paligid, Agad niya nakilala ang mga tao roon at ito ang mga disipulo mula sa Sun Moon Sect — labimpito sa kanila- at Skywolf Fort — labinsiyam sa kanila.
May kabuuan na 36 ng mga katao.
Para sa pagbubukas ngayon ng tagong kayamanan ng Martial Emperor, ang bawat sectay nangako na magdadala lamang sila ng dalawampu't batang disipulo nang sa gayon ang lahat ng sectay makukuha ng maliit na bahagi. Dahil dito, dalawampu't batang disipulo lamang ang dinala ng bawat sekta.
Dahil napatay ni Duan Ling Tian ang isa sa dalawampu't batang disipulo ng Sun Moon Sect, labinsiyam na lang ang natitira.