Noong nakita ni Zi Shang kung paano ginamit ni Duan Ling Tian ang kanyang Spear Ray upang mapalipad siya patungo sa kanya dala ang kanyang ispada, agad siyang nakaramdam ng takot.
Sa sandaling ito, 1000 na silweta ng ancient horned dragon ang nasa ibabaw ng ulo ni Duan Ling Tian at sumugod din patungo kay Zi Shang. Maihahalintulad ang eksenang ito sa mababangis na hayop at rumaragasang baha.
Ang 1000 na silweta ng ancient horned dragon ay inilalabas ang kanilang mga kuko at patuloy na dumarami sa mga mata ni Zi Shang. Malaki ang epekto nito kay Zi Shang noong nakita niya ito at binigyan siya nito ng matinding takot.
Dahil ito ay ang lakas ng 1000 na ancient horned dragon.
Kung susugod ang mga ito sa kanya, panigurado ay mamamatay siya!