Pagkatapos maabi ni Cha Bai ang mga salitang ito, ang lahat ng mga tingin ay nabaling kay Duan Ling Tian.
Nakatayo pa rin sa parehong lugar si Hu Fei. Nanginginig ang kaniyang katawan habang marahang pinagngangalit ang ngipin. Isang pares ng mapupulang mga mata na puno ng kapaitan at poot ang nakatitig kay Duan Ling Tian.
Sa sandaling ito, si Hu Fei ay parang isang makamandag an ahas na gumagala sa kadiliman, handang atakihin si Duan Ling Tian sa anumang sandali.
"Huwag kang mag-alala, Peak Master Cha Bai! Dahil sinabi kong bbigyan kita ng paliwanag, bibigyan talaga kita.." Matapos itabi ni Duan Ling Tian ang Ikapitong Antas na Thunder Concept Fragment, tinitigan niya muna si Cha Bai bago sabihin, "Kailangan muna kitang pasalamatan sa pagbibigay sa akin ng Concept Fragment, Peak master Cha Bai!"