Sa team battle stage, ang dalawang representante mula sa bawat Peak ay magkakampihan at lalabanan ang iba pang dalawang representante mula sa ibang apat na mga Peak. Ang labanan ay gaganapin sa dalawa-laban sa-dalawang paraan.
Kumpara sa individual battle stage, ang team battle ay parang mas pormal.
Para sa Wood Peak, sina Duan Ling Tian st si Huang Daniu ay magkakampihan.
Si Duan Ling Tian ang responsable para lituhin ang kaniyang mga kalaban gamit ang Illusory Space habang si Huang Daniu naman ang responsable para sa mga pisikal na mga atake. Sa isang lakad, natalo nila ang Nangong Twins mula sa Gold Peak.
"Yes!" Si Hunag Daniu na sinugatan ang Nangong Twins sa kaunting mga atake ay tumawa nang malakas nang iwinasiwas niya sa hiramna balahibo.
Walang nasorpresa sa resultang ito. Matapos ang lahat, alam na nila ang nakaktakot na innate ability ni Duan Ling Tian.