Sa mga sandaling nagbitaw si Duan Ling Tian ng kanyang mga salita, biglang nalipat ang mga mata ng nakapaligid sa kanya kay Cha Bai. Iyon ba'y tila ang nais lamang nilang makita kung magtatangka itong mangako sa Nine-Nine Heavenly Tribulation.
Kung susubukan man niya, ito ay nangahuhulugan na si Duan Ling Tian ay mapanirang-puring nag-aakusa.
Subalit, kung hindi man, ibig-sabihin nito ay pinagbantaan niya si Duan Ling Tian kanina.
"Hurmph!" Sa pagharap nito sa kanyang paligid, nagbulag-bulagan na lamang ito. Kalmado itong sumulyap kay Duan Ling Tian habang siya'y suminghal, "bakit pa ang isang tulad kong marangal na Peak Master ay susumpa sa isang tulad mong maliit na disipulo ng Wood Peak? Hindi ka kwalipikado!"