"Ngunit, ano ang magagawa mo kung ang isang martial artist na napag-aralan ang Earth Concept ay ayaw umalis sa lupa? Ang mga martial artist na malayo sa lupa ay hahayaan na lamang siya gawin ang gusto niya?" Sagot ni Qi Yu habang kalmado siyang nakatingin kay Cha Bai.
"IKAW! Hindi makatarungan iyan!" Matinding galit ang nararamdaman ni Cha Bai at tuluyang nandilim ang kanyang mukha dahil sa galit.
"Hindi makatarungan?" Masayang tumawa si Qi Yu, "Cha Bai, dahil sinabi mo na hindi ako makatarungan, bakit hindi na lang tayo.. Alam mo na... maglaban. Kung ika'y mananalo, sasabihan ko si Daniu na sumuko. Subalitm kung ika't matatalo, kakailanganing sumuko ni Hu Fei. Ano sa tingin mo?" Direktang hinamon ni Qi Yu, ang Peak Master ng Wood Peak, si Cha Bai, ang Peak Master ng Fire Peak.
Swoosh!
Noong natapos magsalita si Qi Yu, tila isang bato na inihagis sa tahimik na lawa, ito'y nagdulot ng gulat sa mga disipulo ng Five Element Sect.