Sa sandaling nakatitig si Duan Ling Tian si mga kamao ni Nangong Yi, ang kulay asul na enerhiya na nasa bala ng kamao ni Nangong Yi ay biglang nagtipon na para bang pinagsama-sama silang lahat.
Sa ilalim ng mga mata ng mga manonood, ang kulay-asul na enerhiya sa palibot ng kamao ni Nangong Yi ay biglang sumiksik at binalot ang kanyang kamao.
Kasabay ng pagsama-sama ng kanyang enerhiya, si Huang Daniu naman ay patuloy na nilalabas ang kanyang enerhiya. Ang enerhiya na iyon na tila nagbagong-anyo at naging kayumanggi na divine dragon ay sumugod patungo kay Nangong Yi habang natutulak din nito ang mga bagay na madaraanan nito.
"Senior Brother Yi!" Sa sandaling ito, maraming disipulo ng Five Element Sect ang kinabahan habang kanilang tinitignan si Nangong Yi.
Sa kanilang opinyon, tila nasa masamang posisyon ngayon si Nangong Yi.