"Hindi..." Nang marinig ni Chen An ang sianbi ni Ke Zheng kay Chen Wei, siya na hindi nakaharap kay Chen Wei at walang kakayahan na magpadala ng voice transmission kay Chen Wei ay nagsalita upang pigilan ito.
Sampal!
Si Duan Ling Tian na kanina pa handa ay itinaas ang kaniyang kamay at hinampas upang sumampal, tinamaan si Chen An hanggang sa mahili ito. "Manahimik ka! Bubugbugin kita hanggang sa mamaga ang mukha mo kapag nagsalita ka pa!"
"Ikaw!!" Nagdilim ang tinig ni Chen Wri nang makita niya ang pagtrato ni Duan Ling Tian sa kaniyang nakababatang kapatid, pulang-pula ang kaniyang mga mata, ngunit hindi niya magamit ang kaniyang lakas at ang tangi lamang niyang magagawa ay manood.
"Ama, Master, bilisan niyo at pigilan niyo siya!" Humingi ng tulong si Chne Wei mula kay Chen Dong at Ke Zheng, ngunit mabilis niyang napansin na kahit na ang kaniyang ama o master ay walang anumang intensyon na tulungan si Chen An.