"Eh, sa ano'ng basehan nagawa ni Second Young Master na tawagin siyang basura? Inamin mo na mas mahina ka sa kaniya kanina, kaya hindi ba't nangangahulugan no'n na pakiramdam mo ay mas mahina ka sa isang piraso ng basora?!" Ang Supreme Elder ay walang awa at dahan-dahang nagsalita.
"Nagkamali ako, Supreme Elder." Huminga nang malalim si Che An bago yumuko, at pagkatapos ay inangat niya ang kaniyang mga kilay nang tumingin siya sa binatang may lilang kasuotan na kaharap ang kaniyang ama at isang malamig na liwanag ang kumislap sa kaniyang mga mata.
Hindi siya naglakas-loob na magtanim ng sama ng loob sa Supreme Elder, kaya inilabas na lamang niya ang lahat ng kaniyang hindi pagkatuwa kay Duan Ling Tian.
"Hmph!" Umikig nang malamig ang Supreme Elder, at pagkatapos ay tumingin siya sa binatang may lilang kasuotan sa kalayuan nang may napakaseryosong tingin.