Samantala, bumalik na si Ye Xuan at binaba niya ang bandeha na may mangkok ng mainit na lugaw sa batong tablet sa courtyars habang sinabi niya nang may ngiti, "Big Brother Duan, hindi ka pa kumakain sa napakatagal na panahon, siguradong hindi mo matutunaw ang kanin... Kaya gumawa ako millet porridge para sa iyo."
"Salamat." Ang sikmura ni Duan Ling Tian ay medyo napukaw noong maamoy niya ang halimuyak ng lugaw, at pagkatapos ay umupo na siya sa lamesa, nagsimula na siyang higupin ang lugaw. Ang lasa ng lugaw ay sobrang maganda at halatang n iluto ito ng maaayos.
"Munting Xuan, ang galing mo sa pagluluto ay hindi masama... Ang kahit sino mang pakakasalan mo sa hinaharap ay siguradong magiging masaya sa masayang buhay." Ngumiti si Duan LIng Tian.
Ngunit agad-agad, napansin ni Duan Ling Tian na ang biro niya ay naging dahilan para may mapait na ngiti ang lumitaw sa mga dulo ng bibig ni Ye Xuan noong marinig niya ito.