"Ta Mi, naniniwala ka ba sa akin?" Bahagyang ngumiti si Su Li noong tinignan niya si Ta Mu at siya'y nagtanong.
"Maniniwala ako kung maniniwala ang aking Master!" Hindi nagdalawang-isip si Ta Mu at desidido siyang sumagot.
"Talagang masunurin siya... Duan Ling Tian, bakit hindi mo siya kunin bilang disipulo? Sa tingin ko ay hindi na siya masama." Tumingin si Su Li kay Duan Ling Tian at siya'y ngumiti.
"Salamat, Martial Uncle, dahil ika'y nagsalita para kay Ta Mu." Mabiliss na yumuko si Ta Mu at siya'y nagpasalamat kay Su Li, at taos-puso ang kanyang mga sinabi at tapat ang mga ito.
"Kung nais mo siyang kunin bilang disipulo, sige lang! Sa kahit anong kaso, wala akong maituturo sa kanya, at hindi ako interesado sa pagkuha ng disipulo na tulad niya." Galit na nagsalita si Duan Ling Tian at siya'y tumingin kay Su Li.
Mapait na tumawa si Su Li at wala na siyang ibang sinabi.