"Paano.. Paano mo nalaman?!" Matapos pumasok sa mga tainga ni Qi Feng ang voice transmission ni Duan Ling Tian, nabigla si Qi Feng, pagkatapos ay sumagot siya sa voice transmission ng mayroong kaunting pagkamangha.
Ngunit puno ng pagkalito ang kaniyang puso.
Bukod sa kaniya at mga miyembro ng Darqi Dynastym tanging si Vice Fort Master at Vice Fort Master Feng lamang ang nakakaalam na isa siyang Inscription Master.
"Hindi ko lamang alam na isa kang Inscription Master, alam ko rin na hiniling sa iyo ni Ning Can na patayin ako! At saka, marahil ay sinabi niya sa iyo na dahil isa kang ikaapat na antas na Void Interpretatation Stage martial artist, basta't kaya mong palawigin ang iyong Spiritual force, maaari mo ng balewalain ang aking abilidad.. Tama?" Nagpatuloy mag.salita si Duan Ling Tian gamit ang walang emosyong tinig
Nabigla si Qi Feng.
Hindi niya naisip na alam din ito ni Duan Ling Tian.