"Marahil... Siya ay nag-shortcut at nagawang makalabas bago ako. Ilang taon na siya? Imposible para sa kaniyang lakas na mahigitan ang akin!" Walang pigil na pinaluwag ni Ye Ling ang kaniyang sarili, dahil hindi siya maniniwala na siya ay maaaring higitan ng isang babae na mas bata kaysa sa kaniya.
Bilang ang pinakamalakas na eksperto sa nakababatang henerasyon ng Darqing Dynasty, siya ay mayroong sariling dangal!
"Tian Wu, si Ye Ling ay tila hindi kumbinsido sa iyong lakas." Ngumiti si Duan Ling Tian.
Walang bahalang tumingin si Feng Tian Wu kay Ye Ling at hindi na siya binigyan ng pansin. Ang isang babae na sampung taon na mas matanda kaysa sa kaniya ay hindi karapat-dapat na maikupara sa kaniya.
Pagkatapos ni Ye Ling ng Darqing Dyasty, na siyang ikasiyam, ang ikasampung tao ay lumabas na rin.
Si Li Ji ng Dartang Dynasty.
Si Li Jing ay isang gwapong binata sa edad na 35, at siya rin ay ang Eleventh Prince ng Dartang Dynasty.