"Sumusobra na?" Nagsimulang tumawa si Sword 13. "Feng Wei, hindi ito ang aking desisyon kung hindi ang desisyon ng buong Blade Sect... Siyempre, mayroong dahilan ang aming Blade Sect sa paggamit sa inyong Skywolf Fort."
"Ayon sa aking kaalaman, bukod sa aming Blade Sect, alam ng mga kalbong iyon ang tungkol sa Martial Competition ng Sampung mga Dynasty na sa Skywolf Fort... Nais mo bang makipag-tulungan ang aming Blade Sect sa kanila? o nais mong makipag-tulungan ang aming Blade Sect sa Skywolf Fort?" Natapos magsalita si Sword 13 sa isang hininga lamang.
Dahil sa sinabi ni Sword 13, napawi ang galit na ekspresyon sa mukha ni Feng Wei na para bang usok, at ito'y napalitan ng isang madilim na ekspresyon.
Hindi niya naisip na ang paksang ito ay malalaman ng mga pangit na mga kalbong iyon.