Malinaw na siya'y nagulat sa edad ni Duan Ling Tian.
Isang binata na para bang nasa edad 25 ay nagawang maging sikat sa Dakrhan Dynasty at matamo ng kwalipikasyon na lumahok sa Martial Competition ng Sampung mga Dynasty, at nagawa niyang mapaslang ang walang silbi na disipulo ng Dongguo Clan, kaya ito'y tunay na kamangha-mangha.
"Oo." Sagot ni Duan Ling Tian noong siya'y tinanong ni Feng Wei dahil kinailangan niya sabihin na siya'y si Duan Ling Tian kahit na hindi niya ito nais.
Kung ang maiinit na mga tingin na patungo sa kanya ay naging mga sword light, paniguradong maraming butas sa kanyang katawan ang iniwan ng mga ito.
"Ikaw, sumunod ka kay Patriarch Dongguo." Ang gulat sa mga mata ni Feng Wei ay agad na napawi at muli itong naging kalmado, at puno ng hindi matututulan na tono ang kanyang boses.
Patriarch Dongguo?
Tulad ng inaasahan!
Nanlumo ang mukha ni Duan Ling Tian dahil tila hindi siya nagkakamali sa kanyang hula.