"Ikaw!!" Ang mukha ng naka-asul na damit na batang lalaki ay nangitim at pagkatapos ay nangutya siya. "Bata, hindi ko inaasahan na maglalakas-loob ka maging arogante sa napakabatang gulang... Isang maliit na bata na katulad mo ang naglakas loob na hamunin ako?"
Slap!
Isang malinaw na sampal ang narinig at isang pulang-pula na bakat ng kamay ang lumitaw sa mukha ng naka-asul na damit na batang lalaki.
"Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo!" Si Duan Ling Tian ang umalis sa kanyang upuan upang sampalin ang batang lalaki bago siya ulit umupo pabalik.
Ang naka-asul na damit na batang lalaki ay naramdaman lang na may lumitaw sa kanyang mga mata bago siya tainamaan ng sampal at siguradong hindi siya naka-react doon.
"Ikaw... Ikaw..." Ang naka-asul na damit na batang lalaki ay nagalit sa pumtong ang mga mata niya ay naging pulang-pula ngunit kahit na sobrang galit na siya, hindi siya naglakas-loob na gumawa ng galaw.