Pagkatapos lunukin ni Duan Ling Tian ang isang tasa ng Blazer Wine at nagsalita ng kaswal, ang mga tingin ng marami sa ikapitong antas ay naging bahagyang kakaiba.
Ang taong ito ay talagang i-kinukumpara ang Blazer Wine sa ibang alak?
Bukod dito, nangahas siyang inumin ang buong tasa?
Kahit na, sa lakas ng Blazer Wine at ang espesyal na katangian nito, kahit ang ordinaryong martial artist ng Void Initiation Stage ay hindi mangangahas na direktang inumin ito.
"Talagang ignoranteng tao. Nangahas siyang direktang inumin ang buong tasa ng Blazer Wine! Iniimbitahan niya ang kamatayan!" Isang di gaano katandang lalaki na may asul na damit na nakaupo malapit kay Duan Ling Tian ang tumawa at nangutya nang makita niya ang ginawa ni Duan Ling Tian, at hindi niya maiwasang manlait.