Nang makita niyang humahakbang papalapit si Duan Ling Tian, bawat hakbang na ginagawa ni Duan Ling tian ay para bang nakatapak siya sa dibdib ni Zhao Ming, dahilan upang mas lalong mamutla ang mukha ni Zhao Ming.
Parang noon lamang, ang binatang nakalilang kasuotan sa harapan niya at parang isang langgam na hindi kayang salagin ang isang suntok mula sa kaniya.
Gayunpaman, sa sandaling ito, siya na ngayon ang parang langgam sa harapan ng binata.
Katulad ng hindi pagtanggap ng isipan ni Tang Huo dito, ganoon din si Zhao Ming.
Paanong nagkaroon ng ganoong lakas si Duan lIng Tian sa loob ng ilang taon, ano ba ang mapalad na tagpong nakuha niya?
Kahit na nagtataglay man si Duan Ling Tian ng tulong ng 10,000 Year Stalactite Milk, imposible para kay Duan Ling Tian na sumulong nang ganoong kabilis sa loob ng maikling panahon.
Nakasisigurado si Zhao Ming sa bagay na ito.