"Nakuha rin ni Su Li ang kwalipikasyon na lumahok sa Martial Competition ng Sampung Dynasty?" Nanliit ang mga mata ni Xiao Yu, ang kaniyang ekspresyon ay pagkamangha.
Matapos niyang malaman ang kasalukuyang cultivation ni Duan Ling Tian, hindi siya nasurpresa na nakasulong si Duan Ling tian sa Martial Competition ng Darkhan Dynasty.
Para sa kaniya, kahit na sa mga nakakabatang henerasyon ng Darkhan Dynasty, ang isang eksperto na nasa ikasiyam na antas ng Void Initiation Stage ay siguradong isa sa mga matataas na tao.
Ngunit ngayon, hindi niya mapigilang mabigla nang marinig niyang sumulong din si Su Li.
"Duan Ling Tian, ano ang cultivation ngayon ni Su Li?" Naiinip na tanong ni Xiao Yu.
"Ikawalong antas ng Void Initiation Stage." Sabi ni Duan Ling Tian.