Pagkahakbang paabante ni Bai Nan Xiang, kumilos si Duan Ling Tian.
Mabilis na tumaas ang Origin Energy sa kaniyang kanang kamay na kanina'y nasa likod niya, at ang kaniyang maraming Origin Energy ay umikot sa talisman na nasa kaniyang kamay bago niya ito ibato kay Bai Nan Xiang.
Swoosh!
Ang talisman ay kasing gaan ng balahibo, at kahit na bumuhos dito ang Origin Energy, wala itong kahit na kaunting pwersa nang tumama.
"Hmm?" Nasurpresa si Bai Nan Xiang na unang umatake si Duan Ling Tian, at nang ang Origin Energy sa kaniyang paligid ay nabuo bilang isang defensive barrier ng liwanag, napansin niya ang isang piraso ng papel na papunta sa kaniya.
Matapos ang maikling sandali, bumagsak ito sa defensive barrier sa paligid niya at hindi nakapasok.
"Ano ito?" Kumunot ang noo ni Bai Nan Xiang. Ang kakaibang piraso ng papel na ito sa harapan niya ay mayroong nakasulat sa ibabaw, dahilan upang makaramdam siya ng takot.