Ang mga dragon ay hindi mga nilalang na hindi pamilyar kay Duan Ling Tian.
Sa kaniyang nakaraang buhay, noong nasa earth pa siya bilang Weapons Specialist, si Ling Tian, mayroon siyang isang alyas sa sinaunang silangang bansang pinagmulan niya.
Ang apo ng mga dragon!
Siya ay isang apo ng mga dragon!
Siyempre, ang mga dragon sa kaniyang nakaraang buhay ay mga nilalang na sinasamba. Hindi nga siya naniniwala na totoo ang mga dragon bago mapunta sa mundong ito.
"Sa mga dragon sa mga alamat ng aking nakaraang buhay, mayroong isang Three-Clawed Divine Dragon, Four-Clawed Divine Dragon, Five-Clawed Divine Dragon.. Ngunit ang isang Five-Clawed Divine Dragon ay ang limitasyon na ng mga dragon. Hindi pa ako nakakarinig ng isang Six-Clawed Divine Dragon." Sa sinaunang silangang bansang pinagmulan niya, kapag mas maraming kuko ang isang dragon, mas mataas ang kaniyang istado at pagkakakilanlan.