Naglakad si Duan Ling Tian patungo sa Lugar ng Divine Might Marquis pagkatapos umalis sa sarili niyang courtyard house.
Hindi niya kinalimutan kung ano ang sinabi sa kaniya ng babaeng tagapaglingkod kanina.
"Si Ama ay mayroong iniwan para sa akin kay Tito Nie?" Sa ilalim ng kaniyang pagtataka, dumating si Duan Ling Tian sa Lugar ng Divine Might Marquis.
Kahit na ang mga bantay sa harap ng pasukan ng lugar ng Divine Might Marquis ay hindi pamilyar na mga mukha, pagkatapos sabihin ni Duan Ling Tian ang kaniyang pagkakakilanlan at nakakita ng ilang nakatatandang mga bantay upang patunayan ito, marespeto at magalang nilang binati si Duan Ling Tian papasok.
"Maaari kayong bumalik sa inyong mga trabaho, ako na ang maghahanap kay Tito Nie." Nang makita niyang ganap na walang tao ang Audience Hall, kinausap ni Duan Ling Tian ang bantay na naghatid sa kaniya papasok bago tumungo nang mag-isa sa courtyard kung saan naninirahan ang Divin Might Marquis, si Nie Yuan.