Ang magandang mukha ni Feng Tian Wu na may dala-dalang maliit na ngiti ay agad na nabalot ng yelo nang maramdaman niya ang tingin ng binata na may burdadong kasuotan na hindi nakatago nang kahit kaunti.
Lumitaw ang linya ng galit sa kaibuturan ng kaniyang mga mata na kasing ganda ng mga berdeng perlas.
"Young Miss, naakit mo ako sa isang sulyap lamang, paano kung magtsaa ka kasama ako?" Ang binata ay naglakas-loob na pagmasdan si Feng Tian Wu, at ang halos walang kamalian at kaaya-ayang anyo ni Feng Tian Wu ay nagsanhi sa kasakiman sa kaniyang mga mata na maging mas malalim.
Sadyang hindi siya gumawa ng galaw na kuhain siya agad.
"Para naman sa tatlong tao na ito na nasa iyong tabi... Ikaw, tulungan mo ang Young Master na ito na pagsilbihan nang maayos ang tatlong mga bisitang ito, at dapat ay maging mabait ka, naintindihan mo ba?" Ang binata ay tumingin sa tagapaglingkod sa kaniyang tabi nang siya ay magsalita.