Sa wakas ay lumubog na ang ekspresyon ni Duan Ling Tian.
Ngunit si Jia Hong sa halip ay mukhang hindi niya napansin. "Basta't tatanggapin mo ako bilang iyong Master at basta't ikaw ay handa, maaari rin kitang hayaan na maging bagong Sect Leader ng Demonic Lotusblade Sect... Kungr 'di, maaari kang maging isang Enforcement Leader na namumuno sa ibabaw ng Sect Leader, at ikaw ay mas mababa lamang sa akin. Ayos ba?"
"Supreme Elder, pinatay niya si Vice Sect Leader Lu kanina, siya ay isang kalaban ng ating Demonic Lotusblade Sect!" Ang mga salita ni Jia Hong ay nagsanhi sa isang Guardian Elder ng Demonic Lotusblade Set na mabalisa, at tumingin siya nang masama kay Jia Hong.
Ngunit sa sumunod na sandali, ang mukha ng Guardian Elder na ito ay agad na namutla nang ang kaniyang mga kamay ay humawak nang mahigpit sa kaniyang lalamunan at lumabas ang sariwang dugo mula rito upang mantsahan ng pula ang kaniyang mga kamay.