Inatake ni Lu Yuan si Duan Ling Tian gamit lamang ang kaniyang palad, at hindi siya gumamit ng anumang mga spirit weapon.
Marahil, sa kaniyang palagay, hindi karapat-dapat si Duan Ling Tian sa paggamit niya ng isang spirit weapon.
Halos kasabay nito, napagtanto niya na kung gumamit man siya ng isang spirit weapon o hindi, ang kalalabasan ay parehas lamang.
Nang makaharap ang palad ni Lu Yaun na patungo sa kaniya tulad ng isng kidlat, at nang makaramdam siya ng isang tagos-butong malamig na mga hangin na nanggagaling mula sa palad ni Lu Yuan na tumatama sa kaniyang mukha, hindi umiwas si Duan Ling Tian nang inangat niya ang kaniyang kamay at tumuro.
Tempest Point!