"'Wag kang mag-alala, Elder Ghost. Maliban na lang kung ako ay mamatay... Imposible na ang piraso ng Devilseal Tablet sa aking ari-arian na makuha ni Duan Ling Tian." Seryoso at taos-pusong nangako si Zi Shang.
"Mmm." Ang matanda at paos na tinig ay tumugon at sinabi, "Kung posible, sana ay kaya mong makuha ang Devilseal Tablet sa kaniyang ari-arian... Kahit na ito ay isang hindi kompletong parte lamang ng Devilseal Tablet, ang pinaka-importanteng bahagi ng Devilseal Tablet ay naroon."
"Paano ko iyon kukuhain?" Tanong ni Zi Shang.
"Kahit na hindi ko alam ang dahilan kung bakit kinilala siya ng Devilseal Tablet bilang Master nito... Basta't mapapatay mo siya, ang Devilseal Tablet ay muling magiging isang bagay na wala nang may-ari. Sa oras na iyon, baka hindi imposible na kilalanin ka nito bilang kaniyang master sa aking tulong!" Ang matanda at paos na tinig ay bahagyang nananabik nang tumigil siya sa pagsasalita.