"Mmm." Tumango si Feng Wu Dao, at sa isang angat ng kaniyang kamay, isang Spatial Ring ang tumalsik kay Elder Kong. "Tulungan mo akong tumaya kay Ling Tian gamit ang 100,000 mga Origin Stone dito."
"100,000 mga low grade Origin Stone?" Ang mga sulok ng bibig ni Elder Kong ay bahagyang kumibot nang tanggapin niya ang Spatial Ring, at siya ay walang masabi.
Samantala, talgang nais niyang magtanong ng isang katanungan: "Hindi ba't sinabi mo na nakikipaglaro ako?"
"Ama... Tumataya ka ng napakaraming mga Origin Stone, hindi ka ba natatakot na si Kuya Ling Tian ay matatalo?" Si Feng Tian Wu ay nagulat sa pagiging maluho ni Feng Wu Dao.
"Kung maglalakas-loob na matalo ang batnag iyon, hindi ko ipapakasal ang mahalaga kong anak sa kaniya, "Walang bahalang sabi ni Feng Wu Dao."
"Ama... Ano'ng pinagsasasabi mo?!" Ang magandang mukha ni Feng Tian Wu ay namula, at iniyuko niya ang kaniyang ulo nang magsalita siya sa pagkahiya.