Kuminang ang spirit saber sa kamay ni Ye Xiang na may puting ilaw at nagmistulang totoong buwan.
Nang makita ang paghaharap ni Ye Xiao at Zhang Shou Yong, umatras ang grupo ng apat ni Duan Ling Tian upang panoorin ang laban.
"Duan Ling Tian, sisingilin ko ang utang mo pagkatapos ko silang talunin!" Isang boses ng mensahe ang biglang pumuno sa tenga ni Duan Ling Tian.
Hindi na kailangang tumalikod ni Duan Ling Tian upang malamang na mula ang bodes kay Zi Shang.
"Maghihintay ako." Sagot ni Duan Ling Tian.
"Sabi ni Zi Shang tatalunin niya lahat? Mukhang hindi simple ang mga pakikipagsagupa niya… Dahil kung oo, imposibleng maging ganito siya kakumpiyansa." Hula ni Duan Ling Tian.
Kasabay nito, umatake si Ye Xiao.
Ang spirit saber ay naglabas ng nakakasilaw na puting ilaw na nabuo mula sa kanyang Origin Energy na walang tigil na lumalabas sa spirit saber sa kanyang kamay.