Mayroong tiyak na antas sa pag-intindi ang Emperor para kay Zi Shang.
Alam niya na kahit ang natural na talento ng pansariling disipulo ng kanyang Imperial Uncle ay hindi na masama, hanggang dito lamang ito.
Sa buong Darkhan Dynasty, mga batang henyo na mayroong kaparehas na natural na talento ng kay Zi Shang ay makikita kahit saan.
Minsan, kahit ang Emperor ay lubos na hindi maisip kung ano ang dahilan ng kanyang Imperial Uncle sa pagpili kay Zi Shang na mula sa maliit na Imperial Kingdom na maging kanyang pansariling disipulo, kaysa sa pagpili mula sa mga grupo ng batang henyo mula sa Darkhan Dynasty.
Ngunit ngayon, napagtanto niya na ang kanyang naisip kanina ay walang dudang nagkakamali.
Sa sandaling ito, nagpakita si Zi Shang ng isang cultivation na hindi mahina kumpara sa kanyang anak o pamangkin na lalaki. "Ninth level of the Void Initiation Stage... Totoong naabot na rin talaga ni Zi Shang ang ika-siyam na antas ng Void Initiation Stage!"